Friday, July 9, 2010

Bakit Milky?

Taong 1990 ika-20 ng Disyembre, akoy isinilang sa isang maliit na isla ng Samar, at ako’y pinangalanan ng aking mga magulang MILKY kung iisipin mo pangalan ng isang batang babae, pero ang katotohanan ay akoy isang lalaki. Milky napiling ipangalan sa akin dahil sa wala silang ibang maisip, nakakatawa diba?, pero yun ang totoo, pero naisip ko kaya milky ipinangalan sakin dahil pangalan ng kuya ko ay Mark at ang dalawang ate k naman ay Michelle at Maryl, para kaming pangalan ng isang grupo na katulad ng F4 na binobuo ng 4 na lalaking mga Koreano na sumikat sa ating bansa kahit hindi maintindihan ang kanilang kinakanta, pero kung ang Korean ay may F4, may M4 naman ang Pilipinas na binbobuo ng mag kakapatid sa Pangalang Mark. Michelle, Maryl, at Milky, astig diba? Hahaha…Marami nagugulat sa pangalan ko sa aking pag ka tao, at marami ding nagtatanong kung bakit Milky pangalan ko, kahit din ako nahihirapang sagotin pero sa tuwing may nag tatanung sakin, sinasabi ko nalang sa kanila na kaya milky ipangalan sakin kasi matakaw ako sa gatas noong ako’y bata pa. Mas nahirapan akong tanggapin akin pangalan nang may isang magandang babae at sexy na lumapit sa akin at tinanong niya kung milky ba talaga pangalan ko at magalang ko naman siyang sinagot ng “OPO”, at sabi nya wow cute naman parang pangalan ng aso namin, kaasar diba? Pero ngumiti nalang ako sa sinabi niya, at naisip ko hindi lang pala pang babae pangalan ko pwede rin pala ipangalan ang MILKY sa aso o ano mang hayop na pweding alagaan. Pero ganun pa man marami rin naman natutowa sa pangalan ko at naiinggit, ayon lang pamatay, kasi daw ang cool pakinggan at ang cute daw.

Sa tingin mo bakit MILKY ipinangalan sa akin?

No comments:

Post a Comment